-- Advertisements --

Hindi pinaporma ng San Miguel Beermen ang NLEX Roadwarriors 119-114 sa nagpapatuloy na PBA Governors’ Cup na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

Ito ang na magkasunod na panalo ng Beermen kaya mayroon na silang 4-2 win-loss record sa Group B habang.

Nakuha naman ng NLEX ang ikatlong sunod na talo kaya mayroon na silang tatlong panalo at apat na talo.

Hindi naman nabigo si SMB coach Jorge Gallent sa naging payo niya sa mga manlalaro na dapat paigtingin ang kanilang depensa.

Bumida sa panalo ng Beermen si CJ Perez na nagtala ng 24 points habang nakuha ni Marcio Lassiter ang Player of the Game na mayroong 17 points at anim na rebounds.

Nagtala rin ng 17 points at siyam na rebounds si June Mar Fajardo habang ang import na si Sheldon Mac ay mayroong 16 points.

Nasayang naman ang nagawang 24 points at 15 assists ni Rober Bollick para sa NLEX.