-- Advertisements --

Naitabla ng San Miguel Beermen sa 1-1 ang best of seven PBA Philippine Cup laban sa TnT 98-96.

Bumida sa panalo ng Beermen si Terrence Romeo na nagtala ng 26 points habang mayroong 22 points si June Mar Fajardo at 14 points naman si Alex Cabagnot.

Sinabi ni Romeo na nais niya talagang tulungan ang Beermen na manalo at hindi hahayaan magwagi pa ang TnT.

Humanga naman si Beermen coach Leo Austria sa ipinamalas ng kaniyang mga manlalaro at sinabing nandoon ang nasabing puso nila para manalo.

Hawak ng TnT ang kalamangan ng laro mula sa unang quarter ay hawak ng TnT ang kalamangan hanggang nakahabol lamang ang Beermen sa huling bahagi ng laro.