-- Advertisements --
San Miguel Beermen
Beermen/ PBA image

Nangailangan pa ng dalawang overtime ang San Miguel Beermen para maitabla sa 1-1 ang kanilang best-of-seven PBA Commissioner’s Cup finals ng TNT Katropa 127-125.

Sinamantala ng Beermen ang ejection ni Terrence Jones at ang pag-fouled out kay Troy Rosario sa ikalawang overtime.

Napatawan kasi ng dalawang technical foul si Jones sa natitirang 21-seconds ng unang overtime.

May tsansa pa ang TNT na maipanalo ang laban subalit hindi nakapasok ang dalawang magkasunod na three-points attempt ni Jayson Castro.

Nanguna sa panalo ng Beermen si Chris McCullough na nagtala ng 32 points at 22 rebounds habang mayroong 25 points si Chris Ross.

Nanghinayang naman ang mga fans ng TNT sa nagawang 28 points , 13 rebounds ni Jones habang mayroong 34 points si Troy Rosario.