-- Advertisements --
Beermen 1
SMB/ PBA image

Hindi na hinayaan pa ng San Miguel Beermen na masulot pa ng TNT Katropa ang kampeonato sa PBA Commissioner’s Cup.

Ito ay matapos na ilampaso ng Beermen ang TNT 102-90 at dominahin ang 4-2 serye sa best of seven finals.

Nanguna sa panalo ng Beermen si Chirs McCullough na nagtala ng 35 points at 13 rebounds habang mayroong 19 points si June Mar Fajardo habang 18 points si Christian Standhardinger.

Mula sa simula ng laro ay hawak ng Beermen ang kalamangan kung saan umabot pa a 19 points ang lamang nila sa TNT.

Hindi naging madali para sa Beermen ang nasabing season dahil nasa pang-pitong puwesto.

Dahil sa panalo ay buhay pa ang tsansa ng Beermen na makuha ang GrandSlam na matapos makuha ang dalawang kampeonato ngayong season.

Ito na rin ang pang 27th championship title ng Beermen na siyang pinakamaraming nakuha ng isang koponan sa kasaysayan ng PBA at pang-walong PBA title naman ni Beermen coach Leo Austria.
Tinanghal na finals Most Valuable Player si Terrence Romeo.

Nasayang naman ang ginawang 41 points at 12 rebounds ni Terrence Jones habang 16 points naman ang naitala ni Jayson Castro.