-- Advertisements --
Naging magandang ang unang laro ng San Miguel Beermen sa PBA Season 49 Commissioners’s Cup.
Ito ay matapos na talunin nila ang Phoenix Fuel Masters 107-104 sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium sa lungsod ng Maynila.
Bumida sa panalo si Marcio Lassiter na nagtala ng 15 points, dalawang steals at dalawang assists habang mayroong 18 points, tatlong assists at dalawang rebounds si CJ Perez at mayroong 14 points, 10 rebounds si Quincy Miller.
Nagpakitang gilas din sina Andreas Cahilig at Juami Tiongson sa unang laro nila sa Beermen kung saan mayroong 12 points si Cahilig at eight points naman ang naitala ni Tiongson.
Sa unang quarter ay hawak ng Phoenix ang kalamangan hanggang tuluyang mahabol ito ng Beermen.