-- Advertisements --

Nalusutan ng San Miguel Beermen ang Converge FiberXers 102-95 para makuha ang unang panalo ng best-of-five series quarterfinals ng 49th Season ng PBA Governors’ Cup.

Naging magandang simula sa pagpalit ng import nilang si EJ Anoskie kapalit ni Jordan Adams na nagkaroon ng injury.

Nagtala si Anoskie ng 28 points, 11 rebounds at limang assists habang mayroong 25 points, 16 rebounds, dalawang steals at tatlong blocks si June Mar Fajardo.

Inamin ni San Miguel coach Jorge Gallent na nagrelaks sila sa paglalaro kaya nabaligtad ang kalamangan.

Habang nasayang naman ang nagawang 22 points at 12 rebounds ni Jalen Jones habang mayroong 20 points, anim na rebounds si Justin Arana para sa FiberXers.