-- Advertisements --

Nalusutan ng San Miguel Beermen ang Converge FiberXers 116-113 sa nagpapatuloy na PBA Commissioners Cup na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo.

Mahalaga ang nasabing panalo para makapasok ang Beermen sa quarterfinals kung saan nasa pang-walong puwesto na sila.

Naging matindi ang larong ipinamalas ng Converge dahil nahabol nila ang 19 points na kalamangan ng Beermen kung saan napababa pa nila ito ng 114-113.

Sa huling segundo ng laro ay may tsansa pa sanang manalo ang FiberXers kung naipasok ni Bryan Santos ang 4-points shot nito.

Nanguna sa panalo ng Beermen si Juami Tiongson na nagtala ng 22 points at apat na rebounds habang ang import na si Malik Ope ay mayroon ding 22 points at 19 points naman ang naitala ni June Mar Fajardo.

Hindi naman umubra ang nagawang 28 points at 11 rebounds ni Cheick Diallo at 25 points ni Jordan Heading para sa FiberXers.