Nalusutan ng San Miguel Beermen ang Magnolia Hotshots Timplados 85-78 sa nagpapatuloy na PBA
49th Season Commissioner’s Cup na ginanap sa Ynares Center.
Naipasok ni Marcio Lassiter ang dalawang kritikal na three points sa huling dalawang minuto ng laro para mailayo ang kalamangan gnaun din ang huling segundo na three points ni CJ Perez para matuldukan ang dalawang magkasunod na pagkatalo ng Beermen.
Hawak kasi ng Magnolia ang limang puntos na kalamangan sa 74-69 sa natitirang apat na minuto ng laro hanggang maipasok ni Lassiter ang dalawang three points nito.
Mayroon ng apat na panalo at apat na talo ang Beermen habang ang Magnolia ay mayroong tatlong panalo at anim na talo.
Nanguna sa panalo ng Beermen si Perez na mayroong 23 points habang mayroong 18 points at 23 rebounds si Jabari Narcis at 13 points at 14 rebounds naman ang naitala ni Jun Mar Fajardo.
Hindi naman umubra ang nagawang 24 points at 15 rebounds ni Ricardo Ratlffe at 13 points at anim na assists naman ni Mark Barroca para sa Hotshots.