-- Advertisements --

Nanganganib na tuluyang ma-eliminate ang San Miguel Beermen sa PBA Season 49 Commissioiner’s Cup.

Matapos ito na talunin sila ng TNT Tropang Giga 115-97 sa laro na ginanap sa Ynares Center, Antipolo.

Dahil dito ay mayroon ng walong panalo at tatlong talo ang TNT habang ang Beermen ay mayroon ng limang panalo at pitong talo.

Nasa pang-10 puwesto ang Beermen kung saan ang panalo ng Magnolia Hotshots o ang NLEX Road Warriors ay hindi na makakausad ang Beermen sa playoffs.

Bumida sa panalo ng TNT si Rondae Hollis-Jefferson na nagtala ng 35 points, 21 rebounds at 10 assistshabang mayroong 22 points si RR Pogoy at 16 points si Calvin Oftana.

Kapwa mayroong tig-14 points sina Jayson Castro at Poy Erram ng TNT.

Humanga si TNT head coach Chot Reyes sa mga manlalaro nito dahil sa hindi nila akalain na malusutan nila ang Beermen.

Hindi naman umubra ang nagawang 34 points ni June Mar Fajardo at 10 points ni Malik Pope para sa Beermen.