-- Advertisements --

Pasok na sa finals ng PBA Philippine Cup ang San Miguel Beermen.

Ito ay matapos na talunin nila ang Rain or Shine 107-100 sa laro na ginanap sa Mall of Asia Arena sa lungsod ng Pasay.

Nanguna sa panalo ng Beermen si June Mar Fajardo na nagtala ng 17 points, 23 rebounds at anim na assists.

Hawak pa ng Rain or Shine ang kalamangan 78-59 hanggang mapababa ng Beermen ang kalamangan 93-91 sa last quarter.

Hindi bumitaw ang Rain or Shine sa pangunguna nina Gian Mamuyac at Beau Belga at napalawig ang kalamangan 98-91 sa natitirang 5:15.

Pinaulanan naman nina CJ Perez at Don Trollano at pumasok ang kanilang mga bola para makuha ang 101-100 na kalamanga.

Hindi na hinayaan pa ng Beermen na makalamang ang Rain or Shine hanggang makuha nila ang panalo.

Hinihintay na lamang ng Beermen ang sinumang manalo sa pagitan ng Barangay Ginebra at Meralco Bolts na nagtabla na sa 2-2 ang serye nila.