-- Advertisements --

Naiwasan ng San Miguel Beermen ang makasaysayang upset matapos talunin ang Terrafirma 110-91 sa kanilang do-or-die game ng 2024 PBA Philippine Cup sa Ninoy Aquino Stadium.

Bumida sa panalo ng Beermen si June Mar Fajardo na nagtala ng 25 points at 22 rebounds.

Nag-ambag ng 19 points si Terrence Romeo at tig-18 points sina CJ Perez at Don Trollano.

Umabot pa ng 21 points ang kalamangan ng Beermen sa last quarter at hindi na nakahabol pa ang Dyip.

Dahil sa panalo ay pasok na Beermen sa semifinals.