-- Advertisements --

Pasok na sa semifinals ng 2024 PBA Governors’ Cup matapos malusutan ang Converge FiberXers 109-105.

Nangibabaw si June Mar Fajardo para sa Game 5 do-or-die games nila ng magtala ito ng 40 points, 24 rebounds, apat na assists at isang steal sa laro na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo.

Nagdagdag namna ng 23 points at 10 rebounds si import EJ Anosike habang mayroong 10 points, siyam na assists at anim na rebounds si CJ Perez.

Sinabi ni Beermen coach Jorge Gallent na kanilang lubos na maasahan si Fajardo lalo na sa mga do-or-die game.

Susunod na makakaharap ng Beermen ang Barangay Ginebra sa best-of-seven semifinals na magsisimula sa Miyerkules at gaganapin sa PhilSport Arena.