-- Advertisements --
June Mar Fajardo/ PBA Photo

Nabuhay ang tsansa ng San Miguel Beermen na makuha ang pang-limang kampeonato matapos na makapasok na sila sa semifinals ng PBA Philippine Cup ng talunin ang TNT KaTropa 96-86.

Naging bida sa panalo si Most Valuable Player June Mar Fajardo na nagtala ng 32 points para kunin ng Beermen ang 2-1 best of three quarterfinals.

Nag-ambag naman ng 17 points at nine rebounds si Christian Standhardinger habang mayroong 11 points si Terrence Romeo.

Sinabi ni San Miguel coach Leo Austria na naging motivated sila sa pagbibigay ng matinding depensa.

Dahil sa panalo ay makakaharap ng Beermen sa best of seven semifinals ang Phoenix Pulse.