-- Advertisements --
Binigo ng San Miguel Beermen ang Meralco Bolts 89-82 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup na ginanap sa AUF Sports Arena sa Angeles City, Pampanga.
Hawak pa ng Bolts ang siyam na kalamangan sa pagpasok ng fourth quarter hanngang nahabol ito ng Beermen.
Pinangunahan ni Arwin Santos ang Beermen na mayroong 17 points, 11 rebounds at dalawang steals.
Nag-ambag naman ng 12 points at limang steals si Chris Ross habang mayroong 12 points at tatlong steals si Marcio Lassiter.
Ito na ang pangatlong sunod na panalo ng Beermen na umangat ang kanilang statistics na mayroon ng apat na panalo at dalawang talo habang ang Bolts ay mayroong tatlong panalo at tatlong talo.