-- Advertisements --

Tinambakan ng San Miguel Beermen ang Barangay Ginebra 131-82 sa nagpapatuloy na PBA Governors Cup.

Mula sa simula ng laro ay umarangkada na ang Beermen at hindi na pinalamang pa ang Ginebra sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum.

Mayroon ng anim na panalo at dalawang talo ang Beermen kung saan pasok na sila sa quarterfinals sa Group B.

Habang mayroon namang limang panalo at tatlong talo na ang Barangay Ginebra.

Nanguna sa panalo ng Beermen si June Mar Fajardo na nagtala ng 24 points habang mayroong 22 points si CJ Perez at 18 points ang naitala ni Marcio Lassiter.