-- Advertisements --

Naitabla ng San Miguel Beermen sa 2-2 ang best of seven semifinals nila ng TNT sa 2021 PBA Philippine Cup.

Ito ay matapos tambakan ng Beermen ang Tropang Giga 116-90.

Bumida sa panalo si Moala Tautuaa na nagtala ng 25 points at siyam na rebounds.

Sa first half lamang ng laro ay hawak na ng Beermen ang kalamangan kung saan umabot pa sa 15 ang kalamangan.

Sinabi ni Beermen head coach Leo Austria na tila nakabawi na sila sa pagkatalo noong Game 3.