-- Advertisements --

Nagtala ng record si San Miguel Beermen star Marcio Lassiter sa kasaysayan ng PBA.

Hawak na niya ngayon ang recor na may pinakamaraming three points shots sa PBA.

Naitala nito sa panalo ng Beermen kontra Barangay Ginebra nitong Linggo ng gabi sa Araneta Coliseum para makuha ang trono kay Jimmy Alapag na may hawak dati ng may pinakamaraming three-points shots.

Nagsigawan at natuwa ang mga fans ng Beermen ng maipasok ni Lassiter ang record at naitala ang 1,252 na three points.

Nasa pangalawang puwesto na ngayon si Alapag na may 1,250 habang si Caidic ay mayroong 1,242.

Mayroong 39 percent shooting efficiency si Lassiter ng makuha ang record sa loob ng 537 games habang si Caidic ay mayroong 37 percent shooting efficiency sa loob ng 598 na laro at si Alapag ay mayroong 36 percent shooting sa loob ng 601 na laro.