-- Advertisements --
San Miguel Beermen
San Miguel Beermen/ PBA image

Umabot pa sa overtime bago tuluyang talunin ng San Miguel Beermen ang Blackwater 99-96 sa kanilang paghaharap sa PBA Governors’ Cup.

Nanguna sa panalo si June Mar Fajardo na nagtala ng 30 points at 13 rebounds.

Ikinatuwa naman ni Beermen coach Leo Austria ang panalo dahil nakabangon sila sa sunod pagkatalo.

Nagpasalamat din ito dahil kahit wala pa ang kanilang import na si Dez Wells matapos magtamo ng ankle sprain injury.

Nasa pang apat na puwesto na ang Beermen na mayroong anim na panalo at tatlong talo.

Nasayang naman ang ginawang 25 points ni Mac Belo habang mayroong 24 points si Marqus Blakely.

Ito na rin ang pang-limang sunod na pagkatalo ng Blackwater na mayroong dalawang panalo at walong talo.