Naglabas na rin ng kanyang mga kuha ng larawan at video sa kanyang social media si Kris Aquino, dalawang araw makaraang ang paghatid na sa huling hantungan sa kanyang kapatid na si yumaong dating Pangulong Noynoy Aquino.
Sa instagram ni Kris, kanyang ipinapakita kasama ang pamilya sa Heritage Park sa Taguig bago ang cremation kay P-Noy.
Ayon kay Kris humingi umano siya ng pahintulot sa kanyang mga kapatid na kunan ang dating presidente bilang bahagi ng archives ng kanilang pamilya.
Paliwanag ni Kris ang mga kuhang video na ito ay bago ang cremation ay noong private viewing lamang at walang pinayagan na iba kundi sila lamang.
Makikita rin sa video na nasa loob pa ng kabaong ang dating presidente.
Sinabi pa ng bunso sa magkakapatid na Aquino, marami sana siyang ibabahagi kaugnay sa kanilang samahan ni P-Noy, ang kanilang away at kung paano siya pinatawad at lumambot daw ang puso sa kanya.
Aniya, ginawa raw niya ang lahat upang mapangiti na rin niya ang kapatid na dating naging presidente.
Gayunman, hindi raw muna isasapubliko lahat ito at idadaan muna sa panalangin hanggang sa bigyan siya ng “sign” ni P-Noy upang maibahagi ang kanilang kuwento.
“Marami po talaga akong gustong ibahagi sa inyo tungkol sa journey namin bilang magkapatid dahil alam ko how profoundly the experience has changed me. BUT the TRUTH is- IG is the venue where our “feud” started so in my heart i know it’s also not where i should share kung paano nagsimula ang unang mga hakbang para lumambot na ang puso nya, at lahat ng paraan na ginawa ko para mapangiti lang sya,” ani Kris sa kanyang Instagram account. “! am praying that Noy will give me, “bunso” as he refers to me to all those closest to him, a clear sign when he is ready for me to tell all of you our story- until then this bunso has learned her lessons and will stay silent.”