-- Advertisements --

Magsasagawa umano ng masinsinang assessment ang mga organizers ng 2022 Winter Games sa Beijing, China sa epekto ng pagpapaliban ng Tokyo Olympics hanggang sa susunod na taon.

Ayon sa Beijing 2022 organizers, nakikipag-ugnayan na sila sa International Olympic Committee upang tiyakin na nahahawakang maigi ang anila’y “special situation.”

Bagama’t ang Summer at Winter Olympics ay may pagitan na lamang na anim na buwan, sinabi ng Beijing organizes na on target ang kanilang mga paghahanda, at wala rin daw silang balak na i-delay ang mga events.

“We believe the Summer Games in Tokyo and the Winter Games in Beijing will both be a success,” saad sa pahayag.

Nitong nakaraang linggo nang magkasundo ang IOC at local organizers na i-postpone muna ang Tokyo Games bunsod ng coronavirus pandemic.

Itinakda na sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8 ng susunod na taon ang Tokyo Olympics, habang ang Beijing Games ay magbubukas sa Pebrero 4, 2022.