Itinuturing ng ilang matataas na opisyal sa China na isang “colour revolution” ang patuloy na anti-government protests sa Hong Kong at nagbigay babala rin ang mga ito na posibleng mas lumala pa ang krisis dito.
Binigyang-diin ni Zhang Xiaoming, director of the State Council’s Hong Kong and Macau Affairs Office (HKMAO), na ang naging puno’t dulo ng kaguluhan sa lungsod ay tungkol sa pagsusulong ng Hong Kong government sa extradition bill.
Sinabi rin nito ang posibilidad ng pagtatayo nila ng commission of inquiry upang pag-aralan ang extradition bill ngunit mangyayari lamang daw ito sa oras na matigil na ang kilos-protesta.
“The most pressing and overriding tasl at present is to stop violence, end the chaos and restore order, so as to safeguard our homeland and prevent Hong Kong from sinking into an abyss,” ani Zhang.
Nanawagan din ito sa mga ka-alyado ni Hong Kong Chief Executive Carrie Lam na gawin ang kanilang parte upang siguraduhin ang kapayapaan at kaayusan sa kanilang lungsod.