-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Muling naranasan ang matinding sandstorm ang Beijing, China matapos ang isang dekada.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay G. Rhio Zablan ng Filipino China Media Group, sinabi niya na makalipas ang 10 taon o isang dekada ay muling nabalot ng makapal na buhangin ang Beijing na naging sanhi para magkulay amber ang kapaligiran dulot ng matinding sandstorm.

Ang naturang makapal na alikabok ay pinaniniwalaang mula sa Mongolia na tinangay ng malakas na hangin patungo ng mainland.

Bagamat humupa na ang sand storm ay naging maulap ang papawirin sa Beijing subalit sa ngayon ay bahagyang umaaliwalas na rin ang kanilang kapaligiran.

Wala namang apektadong Filipino matapos ang sand storm,nilinaw rin ni Ginoong Zablan na wala ring dapat ipangam ba dahil wala naman itong idinulot na problema sa kalusugan.

Matatandaan na nagpatanim ng mga punong kahoy ang pamahalaan ng china sa bahagi ng Inner Mongolia upang maiwasan ang pagkakatangay ng mga buhangin patungo sa hilagang bahagi ng Beijing.

Namangha naman ang ilan dahil sa pangyayari matapos na magkulay Amber, Asul at dilaw ang kapaligiran na kinuhanan ng litrato ng maraming mga residente.