kinondena ng China ang isang pahayag na inilabas ng U.S at Japan na naglalaman ng kritisismo laban sa mga “provocative activities” ng Beijing sa pinagtatalunang karagatan, West Philippine Sea (WPS).
Kung saan tinawag ng China na pag-atake aniya at pagpapalaganap ng maling impormasyon.
Ang naturang pahayag ng China ay inilabas matapos ang pagpupulong nina US President Donald Trump at Japanese Prime Minister Shigeru Ishiba sa Washington noong Biyernes, na nagbigay nang pagtutol sa “unlawful maritime claims, militarization ng reclaimed features, at threatening and provocative activities sa WPS”.
Bilang tugon, sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesman Guo Jiakun na ang mga pahayag ng US at Japan ay isang panghihimasok sa mga internal affairs ng China, at binigyang-diin na ang mga pahayag ng mga ito ay layong palalain ang tensyon sa rehiyon.
Dagdag pa niya na nagsagawa ang China ng “solemn representations” sa parehong mga bansa.
Maaalalang matagal nang inaangkin ng China ang halos isang kabuuang soberanya nang WPS, isang territorial claims na siyang dahilan ng hidwaan sa claims ng teritoryo ng ilang mga bansa sa Timog-Silangang Asya tulad ng Malaysia, Vietnam, Indonesia, Brunei, at Pilipinas.
Sa kabila ng international ruling noong 2016 na nagsasabing ‘walang legal na batayan ang mga claim ng China.
Kung saan kamakailan nga ay mas pinaigting ng Beijing ang kanilang mga hakbang sa rehiyon, kaya’t dumami ang international scrutiny at ang panawagan para sa de-escalation sa rehiyon.