-- Advertisements --
Niluwagan na ng organizers ng Beijing Winter Olympics ang COVID-19 testing requirements sa mga participants.
Ito ay kahit na tumataas ang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.
Ang nasabing pagbabago ay paraan para sa mga kalahok na dumating ng walang kahirap-hirap.
Sa mahigit 3,000 Olympic arrivals ay mayroong 106 ang nagpositibo sa COVID-19 mula pa noong Enero 4.
Tiniyak din nila na agad na inilalagay sa isolation ang mga nagpopositibo sa virus.
Ilan sa mga pagbabago ay ang pagbabawas ng isolation na mula sa dating 14 na araw ay ginawa na lamang itong pitong araw.