-- Advertisements --

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng mga otoridad sa Beirut ang posibilidad na may kaugnayan ang isang warehouse na naglalaman ng tone-toneladang unsecured highly explosive material.

May kaugnayan ito sa malakas na pagsabog na yumanig sa kabisera ng Lebanon na siyang pumatay sa halos 80 katao at nag-iwan ng 40,000 sugatan.

Sinabi ni Lebanon Prime Minister Hassan Diab na aabot ng 2,750 tonelada ng ammonium nitrate ang anim na taon nang nasa loob ng warehouse at walang kahit anong safety measures.

beirut Lebanon explosion aftermath

Hanggang ngayon kasi ay wala pang malinaw na detalye ang mga kapulisan kung saan at paano nagsimula ang pagsabog.

Batay sa inisyal na reports, tinuturo ang insidente sa naganap na sunog sa isang warehouse ng mga paputok malapit sa pantalan kaya hindi raw malabo na kaagad itong kumalat sa mga kalapit na gusali.

Sinuportahan naman ni General Security chief Abbas Ibrahim ang impormasyon mula sa prime minister.

Aniya, libu-libong mataas na uri ng pampasabog ang kinumpisa noong mga nagdaang taon at inilagay lamang sa warehouse.

Sa ngayon ay inaalam na rin ng mga otoridad kung bakit hinayaan lamang na nakaimbak sa gitna ng syudad ang mapanganib na kemikal at kung sino ang responsable sa likod nito.

Ammonium Nitrate

Para sa dagdag na impormasyon, ang ammonium nitrate ay popolar sa buong mundo bilang ginagamit na fertilizer.

Gayunman ito rin ang ginagamit na main component sa maraming paggawa ng mining explosives.

Sinasabing hinahaluan ito ng fuel oil at pinapasabog gamit ang bomba.

Ang ammonium nitrate ay hindi sinusunog ang sarili kundi nagsisilbi itong oxygen para mapabilis ang pagsunog sa ibang mga materials.

Dahil dito, itinuturing itong epektibo bilang mining explosives.

Ang decomposition ng ammonium nitrate o matagal nang pagkaimbak ay magdudulot ng napakalakas na pagsabog lalo na kung merong malapit na sunog sa lugar.

Sinasabing kabilang ito sa teorya na maaring dahilan ng explosion sa Beirut.