-- Advertisements --
Humingi na ng paumanhin ang Grab Philippines matapos na ireklamo sila ni Bela Padilla.
Kuwento kasi ng actress, ikinalungkot nito ang pagpapakalat ng Grab driver na kaniyang nasakyang ng kaniyang tinitirahan.
Kuwento ni Bela, na itinawag ng driver sa kanilang “Grab radio” ang address nito.
Nangangamba ang actress dahil tila nilabag ng kumpanya ang polisiya nito na hindi dapat ipagkalat ang mga personal na impormasyon ng kanilang kliyente.
Nalungkot na lamang ang actress dahil sa nangyari at hindi naman kasi nito ugali ang labis na magalit kaya nagtimpi na lamang ito.
Tiniyak naman ng kumpanya na hindi na mauulit pa ang nasabing insidente.