-- Advertisements --

Inisa-isa ni Bela Padilla kung paano niya nagamit ang P3-milyon na kaniyang nalikom sa fundraising event para sa pagtulong sa mga naapektuhan ng ipinatupad na lockdown dahil sa banta ng coronavirus.

https://www.instagram.com/p/B-bgMR4nJ10/

Sa kaniyang Instagram post, makikita ang mga breakdown ng mga halaga na kaniyang binili para may maipantulong.

Umabot kasi sa P3.3 million ang nalikom nito na nalagpasan ang P1 million na target kaniyang inilunsad noong Marso 16.

Agad na nagbigay ito ng mga food packages matapos ang nasabing crowdfunding effort nito.

Dagdag pa nito na mayroong P1.37 millon ang nalikom sa GoGetFunding page habang may P2 million na nagbigay sa hindi na nitong pinangalanang donor.

Paglilinaw pa nito na ang nasabing halaga ay hindi pa niya hawak dahil hindi pa nailalabas ng PayPal ang halaga habang posible sa susunod na linggo ay maipapasakamay na sa kaniya ang P2-M na donasyon.

Ang halaga na kaniyang nabili at naipamigay ay aabot na rin sa P2.5-M.

Sa nasabing halaga P1.5 million dito ay mga delata at bigas na napunta sa Caritas Manila na siyang nangangasiwa sa mga donasyon para sa mga mahihirap at may mga edad na.

Habang ang P1-M naman na ibinili niya ng mga groceries at ibang mga gamit ay naibigay sa dalawang grupo gaya ng persons with disability (PWDs) sa Quezon City at mga tao na naninirahan sa kalsada ng Pasay, Manila at Makati City kung saan personal niya mismong pinangasiwaan ang pagbibigay kasama ang Philippine Army.