-- Advertisements --
Belarus activist

Umaani ngayon ng reaksyon ang nakakagulat na ginawa ni Belarusian activist Stsiapan Latypau nang pagsasaksakin ang sarili gamit ang ballpen sa loob mismo ng korte.

Ang 41-anyos na si Latypau ay una nang isinugod na walang malay sa ospital makaraang magtangkang magpakamatay habang dinidinig ang kanyang kaso.

Inirereklamo kasi ni Latypau ang nararanasang political repression at torture habang siya ay nakakulong gayundin ang pagbabanta sa buhay daw kanyang pamilya

Iniulat ng Viasna human rights centre sa Belarus na si Latypau ay sumailaim na sa surgery at wala namang damage sa kanya vital organs.

Siya ay inaresto noong nakaraang taon dahil sa pangunguna sa malawakang kilos protesta.

belarus activist 1
Stsiapan Latypau, human rights activist, seen here last August 2020 supporting women protesters in Belarus

Kung maalala noong nakaraang buwan lamang umani nang pagkondena si Belarussian President Alexander Lukashenko nang i-hijack ng kanyang gobyerno ang Ryanair flight upang arestuhin lamang ang isang kritiko na journalist.