-- Advertisements --

Naglunsad na ng imbestigasyon ang Belarus sa naganap na kaguluhan sa border nila ng Poland sa pagitan ng mga migrants at mga border police.

Sinabi ni State Border Committee Anton Bychkovsky na nagsimula ang kaguluhan ng batuhin ng mga migrants ang mga border guard ng Poland.

Gumanti ang mga otoridad gamit ang tear gas.

Aabot sa pitong Polish Border guard ang nasugatan sa nasabing insidente.

Dinala naman sa ligtas na lugar ang mga batang migrants para hindi na sila madamay pa sa nasabing kaguluhan.