-- Advertisements --
Ipinagtanggol ni Belarusan President Alexander Lukashenko ang ginawa nitong sapilitang pag-aresto sa isang journalist.
Sinabi ng 66-anyos na pangulo, mayroong planong madugong rebellion ang journalist na si Roman Protasevich.
Bukod pa dito ay inaresto rin si Sophia Sapega, isang 23-anyos na estudyante na di umanoy umamin sa balak nilang rebelyon.
Magugunitang inaresto si Protasevich habang lulan ng eroplano sa pagitan ng Greece at Lithuania.
Mula ng mangyari ang insidente ay maraming bansa ang nagkondina sa ginawang ito ni Lukashenko.