-- Advertisements --
Nagmatigas si Belarus President Alexander Lukashenko na walang magaganap na halalan hanggang hindi ito namamatay.
Isinagawa nito ang pahayag ng sinigawan siya ng mga grupo ng manggagawa sa pagbisita niya sa isang factory sa Minsk, Belarus.
Sinabi nito na walang mangyayaring halalan dahil batid niya na siya ang tunay na nagwagi.
Magugunitang maraming mga mamamayan ng nasabing bansa ang nagsagawa ng kilos protesta dahil sa hindi nila matanggap ang resulta ng halalan dahil umano sa malawakang kilos protesta.
Nag-alok naman si opposition leader Svetlana Tikhanovskaya, na maging “national leader” para magkaroon ng kapayapaan sa Belarus.