-- Advertisements --
Pinarangalan ni Belarus President Alexander Lukashenko ang kaniyang mga kapulisan dahil sa pagpigil sa mga nagsagawa ng kilos protesta.
Binigyan niya ang mga ito ng medalya para sa kanilang hindi matatawarang serbisyo.
Nahaharap kasi sa matinding pagsubok si Lukashenko sa 26-taon nitong pumumuno matapos na magsagawa ng kilos protesta ang mga mamamayan na nananawagan ng re-election.
Marami kasi ang naniniwala na nagkaroon ng dayaan sa katatapos na halalan.
Ipinagigiitan ni opposition politician Sviatlana Tsikhanous na siya ang tunay na nanalo sa halalan.
Magugunitang aabot na sa dalawang katao ang patay habang ilang libo ang ikinulong dahil sa pagsali sa nasabing kilos protesta.