-- Advertisements --

Nakarating na sa Poland ang atleta ng Belarus na ayaw umuwi sa kanilang bansa matapos ang pagsali sa Tokyo Olympics.

Ito ay matapos na
mabigyan ng humanitarian visa ng Poland ang 24-anyos na si Krystina Timanovskaya.

Inalmahan lamang ni Timanovskaya ang pagpumilit ng kanilang coach na sumali sa karera ng biglaan at ilang mga team mates nito ang walang kakayahan na sumali.

Paglilinaw nito na hindi ang bansa nila ang kaniyang pinoprotesta dahil wala itong balak na itakwil ang bansa.

Dagdag pa ng sprinter na pagkakamali ito ng kanilang opisyal ang lahat.

Dahil sa pangamba sa kaniyang kaligtasan ay napilitan itong mag-empake at dumiretso sa Haneda airport.

Binantayan ito ng mga kapulisan hanggang mapasakamay sa Polish embassy sa Tokyo.

Tinanggal na rin ng Belarus sa national team si Timanovskaya dahil sa kaniyang ginawa.

Magsasagawa naman ng imbestigasyon ang International Olympic Committee sa nangyaring insidente.