Umani ng kaliwa’t-kanang pagpumuna ang ginawa ng Belarus authorities kung saan hinijack umano nito ang isang civilian airliner upang hulihin ang isang aktibista.
Nanggaling sa bansang Greece patungong Lithuania ang Ryanair flight 4978 ng biglang mag-iba ang direksyon nito matapos ang isang security alert.
Isa sa mga sakay ng Ryanair flight mula Athens patungong Vilnius ay ang Belarus opposition activist at journalist na si Roman Protasevich na nahaharap sa maraming kaso.
Paglapag ng eroplano, diretsong hinuli si Protasevich.
Ang nangyaring diversion sa biyahe ay nagdulot ng abala sa ibang pasahero kung kaya’t umani ito ng pagkondena sa international at marami ang nagkwestiyon tungkol sa kaligtasan sa himpapawid.
Inilarawan naman ng ilang pamahalaan ang pangyayari bilang isang pag-hijack na pinahintulutan ng estado.
Napag-alaman na si Protasevich ay isa sa mga kilalang journalist na kritiko ni Belarus President Alexander Lukashenko. (with report from Bombo Jane Buna)