-- Advertisements --

Ligtas na umano ang atleta at sprinter na si Kristina Timanovskaya at mabibigyan na ng asylum sa third country dahil sa hangarin niyang tumakas sa kanyang bansa na Belarus.

belarus

Una rito habang nasa Tokyo Olympics ay ibinulgar ni Kristina na pwersahan siyang pinababalik kaagad sa kanyang bansa kahapon ng labag sa kanyang kalooban.

Nangyari ito nang batikusin niya ang national sports officials dahil pilit siyang pinapatakbo sa 4×400 meter relay samantalang ang kanyang event ay sa 200 meter dash.

Dahil dito takot na takot daw itong si Kristina na tiyak na aarestuhin siya pagbalik sa Belarus.

Noong nasa Haneda Airport na ito kagabi ay lumapit siya sa isang pulis at nagpasaklolo.

Kumilos na rin ang International Olympic Committee para tumulong, habang ang Japanese authorities ay itinago muna siya sa isang hotel.

belarus 5

Kung maalala inaakusahan ang gobyerno ni Presidente Alexander Lukashenko na ginagawang hostage raw ang mamamayan nito.

Noong buwan ng Mayo ay hinostage ng kanyang pamahalaan ang eroplano ng Ryanair upang arestuhin ang isang journalist na kritiko ng kanyang administrasyon.