-- Advertisements --
Naglabas ng kaniyang hinaing si Belarusian sprinter Krystsina Tsimanouskaya matapos na tumanggi itong sumakay ng eroplano pauwi mula ng pagsali niya sa Tokyo Olympics.
Sinabi nito na pinilit siyang mag-empake bago dinala sa airport ng labag sa kaniyang kalooban.
Dagdag pa ng 24-anyos na sprinter na humingi na lamang ito ng tulong sa mga kapulisan.
Mas ligtas na aniya ito sa piling ng mga otoridad.
Nakatakda sanang sumabak ito sa 200 meter event subalit siya ay pinasali sa ibang kompetistyon.
Na-pressure aniya ito ng kaniyang team officials.
Inatasan naman ng International Olympic Committee ang mga opisyal ng Belarus para mabigyang linaw ang reklamo ni Tsimanouskaya.