-- Advertisements --
Pumanaw na ang Belgian actress na si Émilie Dequenne sa edad 43.
Kinumpirma ng kampo ng award-winning actress matapos ang pakikipaglaban sa cancer.
Sumikat ito matapos na makamit ang best actress award sa Cannes Film Festival sa edad na 18 para sa pelikulang “Rosetta” noong 1999.
Taong 2012 ng muling magwagi sa best actress award sa pelikulang “A Perdre la Raison (Our Children).
Lumabas din ito sa isang TV drama na “The Missing” noong 2014.
Nagpaabot naman ng kanilang pakikiramay ang ilang mga nakasama nito sa pelikula sa Cannes.
Noong 2023 ng isawalat niya sa publiko na ito ay dinapuan ng adrenocortical carcinoma (ACC), o isang cancer sa adrenal gland.