Tiniyak ng gobyerno ng Belgium sa publiko na makakakuha ng mga COVID-19 vaccines na gawa sa mga bansa sa Europa ang Pilipinas at iba pang mga bansa.
Sa isang note verbale, isiniwalat ng Belgian government ang isang panibagong procedure na kailangang pagdaanan ng mga pharmaceutical firms kapag nag-request sila ng lisensya para makapag-export ng COVID-19 vaccines sa labas ng European Union.
Ayon sa Belgian government, mas mapahuhusay pa ng pag-secure ng export license ang transparency sa pag-deliver ng mga bakuna at ire-require ito hanggang Marso 31, 2021.
Sa Belgium matatagpuan ang production facilities ng ilan sa mga kilalang pharmaceutical firms sa buong mundo, gaya ng Pfizer at Johnson & Johnson Janssen na gumagawa ng mga bakuna laban sa coronavirus.