-- Advertisements --
Tinapos na ni Belgian Paralympian Marieke Vevoort ang kaniyang buhay sa pamamagitan ng euthanasia.
Hindi na kasi makayanan ng 40-anyos ang kaniyang degenerative spinal condition na nagdudulot ng pananakit at labis na naapektuhan ang kaniyang pagtulog.
Matapos na makatanggap ng assisted suicide approval mula sa tatlong doktor ay minabuti na lamang ng Paralympic gold medalist sa London 2012 na tapusin na buhay.
Nagwagi ng gold medal sa T52 100m wheelchair race si Vevoort at silver sa sa 200m race sa 2012 London Paralmpics ganun din dalawang medal noong 2016 Rio Olympics.