-- Advertisements --
Agad na nag-isolate si Belgian tennis player Alison Van Uytvanck matapos dapuan ng COVID-19.
Sa kaniyang social media sinabit nito na nalaman na lamang niya ito matapos ang paglalaro sa Australian Open.
Sinabi pa nito na sumailalim siya ng exit test sa Melbourne bago tuluyang makabalik sa Belgium.
Magugunitang hindi ito nagtagumpay sa ikalawang round ng Australian Open sa kamay ni Wang Qiang ng China.
Naging mild lamang aniya ang kaniyang sintomas at inaasahan na ito ay mabilis na gagaling.
Siya na ang pangatlong manlalaro na nagpositibo sa COVID-19 na sumabak sa Australian Open.
Kinabibilangan ito nina Australian Bernard Tomic na nalaman na nagpositibo sa virus matapos ang pagkatalo kay Ugo Humbert ng France.