-- Advertisements --
Heat temperature in Europe
Temperature

Nagtala ng pinakamainit na temperatura ang bansang Belgium at Netherlands.

Mayroong 39.9C ang naitala sa Kleine Brogel sa Limburg province ng Belgium na siyang pinakamataas na temperatura mula noong 1883.

Dahil sa labis na init ng panahon ay nasira ang Eurostar train na nagdulot ng pagkaabla ng maraming pasahero.

Nabasag din ng Eindhoven City sa Netherlands ang 75-taon na record na init na nagtala ng 39.3C.

Inaasahan naman mas lalong iinit pa ang temperatura sa Paris at hihigitan ang 40.4C noong 1947.