-- Advertisements --
Nabigo si Kevin Belingon na mabawi ang kaniyang ONE bantamweight title matapos talunin siya ni Brazilian fighter Bibiano Fernandes.
Napilitan ng mag tap out sa ikalawang round si Belingon ng ito ay naked choke ni Fernandes.
Ito na ang pang-apat na paghaharap ng dalawang fighter.
Mula pa sa unang round ay hawak ng Brazilian fighter ang kalamangan.
Bukod kay Belingon ay natalo rin ang kasamahan nito sa Team Lakay na si Honorio Banario at Danny Kingad.
Bigo si Kingad kay dating UFC fighger Demetrious “Mighty Mouse” Johnson habang si Banario ay hindi nakaporma sa loob lamang ng 54 seconds kay Japanese fighter Shinya Aoki.