Simula na ng kani-kanilang focus ang mga nagwagi sa ilalim ng first ever Miss Universe Philippines matapos binigyan na ang bawat isa ng official title.
Ang half Indian mula Iloilo na si Rabiya Mateo bilang Miss Universe Philippines at mayroong pa lang karanasan sa pagtuturo, ay itinalaga bilang Ambassador for Education.
Habang ang “ballerina” first runner-up na si Ysabella Ysmael ay Ambassador for Arts and Culture.
Kaagad namang ipinaabot ni Bella ang pasasalamat nito para aniya sa panibagong karangalan na ibinigay sa kanya.
Si Bella ay pamangkin ni 1973 Miss Universe Margie Moran.
Bumagay naman para sa volleyball player at second runner-up na si Michele Gumabao mula Quezon City, ang pagiging Ambassador for Health and Fitness.
Habang ang third runner-up na si Pauline Amelinckx mula Bohol, ay Ambassador for Tourism.
At ang proud bisexual fourth runner-up na si Billie Hakenson mula Cavite, ay Ambassador for Gender Equality.