Sumangguni si Labor Secretary Silvestre Bello III kay Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa posibilidad na pagpapatupad ng ban sa deployment ng OFWs sa Kingdom of Saudi Arabia dahil sa hindi pa rin nababayarang sahod ng mga manggagawang Pilipino na aabot ng hanggang P4.6 billion.
Nagpadala na ng memorandum si Bello kay Pangulong Duterte para hilingin sa kanya ang pagpayag sa pagkakaroon ng naturang deployment ban sa Saudi Arabia.
Noong 2016, sinabi ni Bello na 11,000 OFWs sa Saudi Arabia ang hindi nakatanggap ng kanilang sahod, dahilan para inatasan siya ni Duterte na pauwiin ang lahat ng mga ito sa Pilipinas.
Naniniwala si Bello na dapat gawing prayoridad din ng Saudi Arabia ang sitwasyon ng mga Pilipinong manggagawa gayong mayroon ng ruling na nagsasabing dapat hindi iniipit ang sahod ng mga OFWs.
Sa ngayon, inatasan na ng kalihim ang OWWA at POEA na pag-aralan ang posibilidad na deployment ban sa Saudi Arabia.