-- Advertisements --

Umani ng magkakahalong puna ang naging pahayag ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III sa pahayag nitong pagtanggal na ng licensure exams ng mga nursing at law students.

Ayon kasi sa kalihim na napakataas ang aniya ang mga babayarin kapag kumuha ka ng nursing course at pagka graduate pa nila ay kukuha pa sila ng board exam.

Maari aniya itong hindi na gawin basta ang paaralan ay accredited ng Commission on Higher Education (CHED).

Tulad din ng mga kursong law, engineering at dentistry.

Paglilinaw pa ng kalihim na ito ay isang proposal lamang at bahala na aniya ang Philippine Nurses Association at Board of Nursing kung maiparating ito sa kongreso para maamenda ang batas na kailangan ang lisensure exam sa mga nursing.