Umaapela si Labor Sec. Silvestre Bello III ng pang-unawa sa kanilang desisyong magpatupad ng total deployment ban sa Libya dahil sa nangyayaring kaguluhan doon.
Sinabi ni Sec. Bello sa panayam sa Bombo Radyo, maliban sa mga bagong aplikante, saklaw din ng deployment ban o hindi papayagang makaalis ang mga balik-manggagawa sa Libya.
Ayon kay Sec. Bello, hindi mula sila magde-deploy ng manggagawa sa Libya dahil hindi matiyak ang kanilang kaligtasan pagdating doon.
Una nang tiniyak ng gobyerno ng Pilipinas ang kahandaang magpatupad ng mandatory repatriation sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Libya sa oras na lumala ang kaguluhan doon at itaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Alert Level 4 ang sitwasyon.
Inihayag ni Bello na katunayan ay nakatakdang magpapadala siya ng augmentation team sa Libya sa darating na Abril 16 bilang pre-emptive action sakaling kumalat pa ang giyera doon.