-- Advertisements --

Binigyang-diin ni Labor Sec. Silvestre Bello III na wala umanong datos na magpapatunay na ang pagtaas ng mga aktibong kaso ng COVID-19 ngayong buwan ay dahil sa hawaan sa mga opisina.

Ayon kay Bello, wala pa raw kasi silang natatanggap na ulat sa ngayon mula sa mga employers at mga workers na dumadami ang insidente ng transmission ng coronavirus sa mga lugar ng trabaho.

Inihayag ni Bello na mahigpit daw ang implementasyon ng health protocols sa mga workplace.

“You know of course that our inspectors, especially our occupational safety and health inspectors are very industrious in inspecting these business establishments to see to it that these protocols are strictly complied with,” wika ni Bello.

Noong Marso 3 nang lagdaan ng kalihim ang isang kautusan na nagtatakda ng panibagong guidelines para sa proper ventilation ng mga workplace at pampublikong transportasyon upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

“Syempre yung employer, they strictly comply with the ventilation requirement kasi pati sila affected eh. I’m sure very religious yung compliance nila dyan otherwise kasama rin sila sa contamination,” dagdag nito.

Kasama sa naturang guidelines ang installation at utilization ng exhaust fans sa mga indoor workplace, palikuran at water closets; ventilation sa air, rail, land, at sea transport; at iba pang mga hakbang upang paghusayin at panatilihin ang kalidad ng hangin sa workplace at public transportation.