LEGAZPI CITY- Hindi ikinabigla ng grupong Alliance of Concerned Teachers ang resulta ng pag-aaral kung saan lumabas na “below average” ang Intelligence Quotient (IQ) ng mga Pilipino.
Ito ay kaugnay ng ipinalabas na bilang ng World Population Review, kung sa halos 200 na mga bansa, pang-111 ang Pilipinas na 81.64 lamang angaverage IQ score.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay ACT National Chairperson Vladimir Quetua, bago pa man magkaroon ng pandemya dati nang pangalawang mababa ang Grade 5 sa Pilipinas sa buong SouthEast Asia, partikular na sa Mathematics at Science.
Maliban dito, ayon naman sa pag-aaral ng World Bank 80%, hindi nakakabasa ang mga Pilipinona may minimum profeciency level.
Paliwanag ng grupo, makikita naman ang resulta ng kakulangan at kawalan ng aksyon ng pamahalaan sa krisis sa edukasyon.
Pagbigay-diin ni Quetua, kasama sa hindi binibigyang-atensyon ang kakulangan sa pondo, mga gamit at pangangailangan sa silid-aralan, partikular na sa mga naapektuhan ng mga nagdaang bagyo na hanggang ngayon ay hindi pa rin naaayos.
Kaugnay nito , muling nanawagan ang grupo na pakinggan na ang matagal nilang panawagan na balik na sa dati ang school calendar lalo pa’t hindi aniya codusive ang mainit na panahon para sa pag-aaral.