Posibleng magpapatuloy pa hanggang sa Hulyo ang below normal rainfall o halos walang pag-ulan bilang resulta ng paghupa ng El Niño at pag-develop ng La Niña ayon sa state weather bureau.
Ang umiiral na El Nino ay patuloy na hihina at inaasahang mag-transition ito sa neutral condition sa Mayo at Hunyo.
Ayon pa sa ahensiya, mayroong 60 porsyentong tiyansa naman ng pag-develop ng La Nina sa June-July-August season.
Para sa buwan ng Mayo, sa pagtaya ng ahensiya, hanggang 60% ang reduction sa pag-ulan karamihan sa Luzon, sa buong Visayas at Zamboanga Peninsula at ilang parte ng Northern Mindanao, Caraga at BARMM.
Magpapatuloy ang below normal rains sa maraming lugar sa Luzon sa Hunyo at Hulyo.
Mas mainit naman na temperatura ang inaasahan sa Mayo at Hunyo kung saan inaasahang papalo sa 41 degrees celsius ang temperatura sa Northern Luzon.
Sa mababang lugar naman sa Luzon at Mindanao, ang temperatura ay maaaring umabot sa 40 at 38 degrees celsius mula Mayo hanggang Hulyo.
Habang sa Metro Manila, inaasahang magpapatuloy na makakaranas ng 38 degrees celsius na temperatura sa Mayo at bababa ito simula sa Hunyo.