Ibinigay ni eight division world boxing champion Sen. Manny Pacquiao kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang replica ng isa sa mga belt na kaniyang napanalunan.
Ayon kay Pacquiao, ipinagkaloob niya ito kay Sotto bilang pagkilala at suporta sa pinuno ng mataas na kapulungan ng Kongreso.
Partikular na iniabot ng fighting senator sa Senate official ang International Boxing Federation (IBF) super batamweight championship belt na kaniyang napanalunan kay Lehlohonolo Ledwaba noong 2001.
“Today, I handed a replica of my International Boxing Federation (IBF) Super Batamweight Championship Belt, which I won against Lehlohonolo Ledwaba in 2001, to Senate President Vicente Sotto III as a sign of my gratitude and support to his leadership,” wika ni Pacquiao.
Maliban dito, nagbigay din ng belt noong 2016 si Pacman sa Senate museum.
Ito naman ang napanalunan niya sa laban kay Mexican-American fighter Jessie Vargas.